Monday, June 7, 2010

what about me?

what about me?

Richelle is my name.. iyan ang binigay na pangalan sa akin ng nanay at tatay ko..kung bakit, hindi ko alam... hindi ko rin alam kung saan nagmula ang pangalan na iyan...pero ganun pa man, mahal ko ang pangalan ko.. kagaya ng pagmamahal ko sa mga pamilya at mga kaibigan ko..(ang drama)..

Simple lang naman akong babae... simple kasi simple lang ang trip/gusto ko sa buhay... babae???sabi nila hindi daw ako babae eh..para daw kasi akong lalaki kung kumilos at magsalita... bakit naman kasi hindi ako magiging ganun, eh halos lahat ng kabarkada ko nung high school eh puro lalaki... pati ung mga taong nakapaligid sa akin sa bahay, mga lalaki din... tatlo kaming magkakapatid...at ako lang ang babae... tapos ang mga pinsan ko na lagi akong sinasamahan, puro rin lalake...kaya hindi na rin anamn ako nagtataka kung ang tingin nila sa akin ay parang lalake...

pero kahit naman lalaki ang tingin nila sa akin, babae parin ako kung ituring nga mga kapatid, pinsan at kaibigan ko... sa pila, mas nauuna pa sila sa akin...kasi gentle man ako..at sila hinde...pati sa kainan, sila pa rin ang nauuna...langyang mga pinsan at kapatid ko na yan...


babae ako...kasi nai-inlove din naman ako sa opposite sex...kagaya ng bading...chos lang... syempre sa lalaki ako nagkakagusto... meron nga akong type na lalaki ngayon, kaya lang bihira ko lang syang makita at makasama...kasi nagwo-work na din sya... MAKATI BOY nga sya eh... (Makati, as in Makati City...kung saan madami ang matataas na building)... pero ngayon, kinakalimutan ko na ang baliw kong pag-hanga sa kanya...wala naman kasi akong mapapala sa kanya eh...

meron pa, ung ex ko...nagtagal din kami nun ng isa at kalahating tao... un, ung isang un ang MAKATI BOY... (makati as in parang nahigad)... gagawa lang kasi ng milagro, hindi pa ung silang dalawa na lang..ayan tuloy, may nakakita sa kanila at nalaman ko..aun...super duper iyak ang ginawa ako...masakit eh... impakto sya...sasabihin pa nya sa akin na friends lang sila... utang na loob na friends yan..may friends pa na naghahalikan...may mag friends ba na nagse-sex..utang na loob na kaibigan yan... (Hindi naman halata na BITTER OCAMPO ako?) ok na un sa akin..tapos na iyon eh..nakaraan na...nakapag-muv on na ako sa kanya...who needs a man like him anyways... Well, not me...(taray)...


ang dami ko na palang nasabi...


what about me???


mabait akong tao...(pero akala ng iba, hindi..)...pero hindi nila alam yun kasi hindi naman ako showy.. hindi ko naman kailangan na ipakita sa buong mundo ang kabaitan ko para lang masabi nila na mabait nga ako...you can do simple kindness in a very silent and small ways na hindi mo na kailangang ipakita at sabihin sa iba...

mataray daw ako at maldita... mataray ako sa mga taong dapat tarayan...kagaya na lang ng mga antipatikong lalake na nagkalat sa tabi-tabi...feeling nila, napaka super duper pogi(aso) cute(tuta) at gwapo(kabayo) nila...
hindi po ako maldita..o laitera..nagsasabi lamang po ako ng aking opinyon at ng aking nakikita... ok lang naman yun diba...hindi ito kasalanan..kung kasalanan ang magsabi ng totoo, eh, mananahimik na lamang ako sa aming bahay... may freedom of speech po tayo mga kapatid...(TV5 na ako ngayon..ayoko ng maging kapuso at kapamilya eh...nakakasawa na...)...


what about me???


bahala na kayo...kilalanin nyo na lang ako...



that's all folks...(bugs bunny itech)...

No comments:

Post a Comment