Tuesday, June 8, 2010


mga kaibigan kong tunay...

ANG AKING COLLEGE LIFE...(PART 1)

kamusta naman ang aking college life???well,,, ok lang naman sya...masaya na malungkot na nakakatakot...

FIRST DAY OF CLASS...

first day of class, wala pa akong hawak na schedule...yay...anu ba un... at dahil doon, maaga akong pumunta ng school to look for my schedules and rooms... OH MY!!! ang aga ko ng dumating pero mas marami pa pala ang nauna sa akin...(mas excited pa pala sila kesa sa akin...charos...)..super mega sa dami ang kumukuha ng schedule nila...at ang super bongga pa doon, sa iisang blackboard lang naka-post ang schedule ng lahat ng BS MATH students... from first year to fourth year...naisip ko tuloy, kawawa naman...hehehe....charos lang ulit...
dahil ayoko ng nahuhuli ako sa klase ever since na nagsimula akong mag-aral, syempre naki-tingin na din ako kahit madami pa silang tumutingin...ganun pala pag college...hahaha...


nagtagumpay na ako sa pagkuha ng schedule kong hindi ko maxadong maintindihan...pero may isa na namang problema... hindi ko alam kung saan hahanapin ang room P10... langya, may ganun palang room...

todo hanap ako sa building kung saan ko nakuha ang schedule ko...shet,,,hindi ko nakita ang pinagpala na room... dahil doon, naghintay na lang ako ng isa pang inosente na lalapit sa akin para magtanong kung saan ang room P10...swerte ko naman, may lumapit naman agad...sexy,,,maganda at maputing binibini...(hulaan nyo kung sino un...at hulaan nyo din kung nagsasabi ako ng totoo na sexy maganda at maputi ang babaeng lumapit sa akin noon...hahaha)...ang swerte ko talaga nung araw na iyon, room P10 talaga ang hinahanap nya...

dahil pareho naming hindi alam kung nasaan ang pesteng room na iyon, nagtanong na sya kay manong jani(tor)... ang galing ni manong jani(tor)...alam nya kung nasaan ang maganda naming room...


nakita na rin namin ang room...pero para masiguro, nagtanong sya sa isang matabang babae kung BS MATH 1A din sila...(hulaan nyo kung mataba talaga ung babae na pinagtanungan ng kasama ko...hahaha)...


(tinatamad ana akong mag-type...sa mga susunud na araw na ung part 2...



adios muna sa ngayon...

Monday, June 7, 2010

abangan nyo ang isusunod kong kagagahan...kasama kayo dun...JESSIE REYES MINIMO, PRINCES DARLYN MANANSALA MANUTA at ROMEO CORDERO SAPAO JUNIOR...

what about me?

what about me?

Richelle is my name.. iyan ang binigay na pangalan sa akin ng nanay at tatay ko..kung bakit, hindi ko alam... hindi ko rin alam kung saan nagmula ang pangalan na iyan...pero ganun pa man, mahal ko ang pangalan ko.. kagaya ng pagmamahal ko sa mga pamilya at mga kaibigan ko..(ang drama)..

Simple lang naman akong babae... simple kasi simple lang ang trip/gusto ko sa buhay... babae???sabi nila hindi daw ako babae eh..para daw kasi akong lalaki kung kumilos at magsalita... bakit naman kasi hindi ako magiging ganun, eh halos lahat ng kabarkada ko nung high school eh puro lalaki... pati ung mga taong nakapaligid sa akin sa bahay, mga lalaki din... tatlo kaming magkakapatid...at ako lang ang babae... tapos ang mga pinsan ko na lagi akong sinasamahan, puro rin lalake...kaya hindi na rin anamn ako nagtataka kung ang tingin nila sa akin ay parang lalake...

pero kahit naman lalaki ang tingin nila sa akin, babae parin ako kung ituring nga mga kapatid, pinsan at kaibigan ko... sa pila, mas nauuna pa sila sa akin...kasi gentle man ako..at sila hinde...pati sa kainan, sila pa rin ang nauuna...langyang mga pinsan at kapatid ko na yan...


babae ako...kasi nai-inlove din naman ako sa opposite sex...kagaya ng bading...chos lang... syempre sa lalaki ako nagkakagusto... meron nga akong type na lalaki ngayon, kaya lang bihira ko lang syang makita at makasama...kasi nagwo-work na din sya... MAKATI BOY nga sya eh... (Makati, as in Makati City...kung saan madami ang matataas na building)... pero ngayon, kinakalimutan ko na ang baliw kong pag-hanga sa kanya...wala naman kasi akong mapapala sa kanya eh...

meron pa, ung ex ko...nagtagal din kami nun ng isa at kalahating tao... un, ung isang un ang MAKATI BOY... (makati as in parang nahigad)... gagawa lang kasi ng milagro, hindi pa ung silang dalawa na lang..ayan tuloy, may nakakita sa kanila at nalaman ko..aun...super duper iyak ang ginawa ako...masakit eh... impakto sya...sasabihin pa nya sa akin na friends lang sila... utang na loob na friends yan..may friends pa na naghahalikan...may mag friends ba na nagse-sex..utang na loob na kaibigan yan... (Hindi naman halata na BITTER OCAMPO ako?) ok na un sa akin..tapos na iyon eh..nakaraan na...nakapag-muv on na ako sa kanya...who needs a man like him anyways... Well, not me...(taray)...


ang dami ko na palang nasabi...


what about me???


mabait akong tao...(pero akala ng iba, hindi..)...pero hindi nila alam yun kasi hindi naman ako showy.. hindi ko naman kailangan na ipakita sa buong mundo ang kabaitan ko para lang masabi nila na mabait nga ako...you can do simple kindness in a very silent and small ways na hindi mo na kailangang ipakita at sabihin sa iba...

mataray daw ako at maldita... mataray ako sa mga taong dapat tarayan...kagaya na lang ng mga antipatikong lalake na nagkalat sa tabi-tabi...feeling nila, napaka super duper pogi(aso) cute(tuta) at gwapo(kabayo) nila...
hindi po ako maldita..o laitera..nagsasabi lamang po ako ng aking opinyon at ng aking nakikita... ok lang naman yun diba...hindi ito kasalanan..kung kasalanan ang magsabi ng totoo, eh, mananahimik na lamang ako sa aming bahay... may freedom of speech po tayo mga kapatid...(TV5 na ako ngayon..ayoko ng maging kapuso at kapamilya eh...nakakasawa na...)...


what about me???


bahala na kayo...kilalanin nyo na lang ako...



that's all folks...(bugs bunny itech)...